Skip to content
Binibining Vina, Itong liham na to ay para sayo dahil ngayong araw ay ang iyong kaarawan. Maligayang Karaawan sayo maganda at mabait na aking kaibigan. Hindi man tayo nagkasama muli ng matagal at madalang lang tayo nagkakausap, sana magtagal tong ating pagkakaibigan. Ikaw yung kaibigan ko na sakin ka nag kwekwento ng mga problema mo kaso ako yung kaibigan na hindi marunong mag payo, pero kahit na ganun nasa tabi mo lang ako palagi. Sana sa susunod na pagkikita natin ay matagal tayong magkasama at gawin ang mga gusto natin gawin, kwentuhan, tawanan at mga kabaliwan. At sana balang araw
sana matupad mo na yung manood ng concert ng idolo mo na si Darren. Tuparin mo lang lahat ng mga pangarap mo para sa sarili mo at para sa pamilya mo, huwag kang hihinto. Balang araw na pagkikita natin sana masaya tayo na walang problema at natupad na lahat ng ating mga pangarap. Sana makabisita din kayo dito sa amin. Maligayang Karaawan sayo Binibining Vina at laging magdasal. Maging masaya ka ngayong kaarawan mo. Hindi man ito liham na nahahawagan mo pero sana tumatak ang mga salita na mga nakasulat dito. Nagpapasalamat ako sa iyong kasintahan kase siya yung naging
pasimuno nitong pagsulat ng liham at surpresahin ka ngayon kaarawan mo. Sana magtagal pa kayo ng kasitahan mo. And See you soon, I miss youuu. Hindi man ito yung pinakamababang sulat pero wala na kase akong maisip haha yung lang. Maligayang Karaawan uli. Bumabati, Binibining Prances
Looking to craft a unique vintage letter? Click here to start creating yours now.
1
2
3
While viewing the website, tap in the menu bar. Scroll down the list of options, then tap Add to Home Screen.
Use Safari for a better experience.